this was written last wik ata... ngaun ko lang maiipopost...
“…matapos ang dilim ng gabi ay mayroong liwanag ng baging umaga…”
Sa buhay ko ngayon ay di ko pa tuluyang naaabot ang liwanag ng araw matapos ng dilim, pero alam kong dadating din ang panahon ay mararating ko ang liwanag na iyon…
Kung kukuha ako ng isang salita na maglalarawan sa buhay ko nitong mga nakaraang mga buwan “crazy/nakakabaliw” ang pinaka angkop na gamitin. Angkop ito dahil puno ito ng mga masasaya at malulungkot na pangyayari, puno din ng mga pagsubok na kinailangan na lampasan. Angkop ito dahil minsan ay inakala ko ay di ko malalampasan ang mga pagsubok na ito. Ngunit kahit naging ganoon ang mga naganap sa buhay ko ay masaya ako, masaya dahil hinubog ako ng mga pangyayari at pagsubok na ito upang maging kung sino man ako ngayon… Masaya ako dahil alam ko sa mga pangyayari at pagsubok na kinaharap ko ay marami ang sumuporta at nagpakita ng pagmamahal nila sa akin… Masaya ako dahil muli ay ginabayan ako ng Diyos, tulad ng kanyang laging ginagawa ng walang sawa at walang hininging kapalit… Masaya ako dahil kahit na hindi ko nakuha ang ilan sa mga ginusto ko ay alam ko na may dadating na mas hihigit pa at mas angkop sa akin… Masaya ako dahil hanggang ngayon ay nandito pa ako at patuloy na hinaharap ang mga pagsubok na ibinigay sa akin…
Masakit ang mga bagay na naganap sa akin, maraming pumasok sa utak ko dahil sa mga naganap na iyon. Umabot sa punto na nawalan ako ng tiwala sa sarili ko, at hindi ako nakatupad sa ilang mga bagay na naipangako ko na hindi ko gagawin... umabot sa puntong nagpakatanga ako at sinisi ko ang sarili ko sa mga naganap…
Pero ngayon dahan dahan na akong nakakalimot sa sakit na iyon, oo at mayroon pa ring mga araw na naalala ko ang mga nangyari at nababalik ang lahat ng sakit, normal lang yon dahil ang paglimot sa mga nangyari ay proseso, proseso kung saan ako at ako lang ang maaring makatulong sa sarili ko…
Masakit ang mga pinagdaanan ko pero wala akong pinagsisisihan sa mga ito…
wala naman dapat…
Hindi ko pinagsisisihan dahil kahit nasaktan ako sa mga nangyari may mga masasaya din naman na naganap, mga kaganapang dadalhin ko ng matagal…
Di dapat pagsisihan sapagkat dahil sa mga naganap na iyon ay nahubog kung sino man ako ngayon, at masaya ako sa sarili ko ngayon…
Di ko pinagsisisihan ang mga naganap dahil napatunayan ko sa aking sarili na malakas ako, at kinaya kong harapin ang mga unos na dumating sa buhay ko at alam kong kakayin ko ang mga darating pa…
“…laging may panibagong bukas na dadating…”
Sa kabila ng mga nawala, nasira at nagulo sa buhay ko alam kong may bukas na dadating, bukas na magdadala ng bagong pag-asa…
May bukas na muling magpaparamdam ng saya na nadama ko noon…
Bukas na alam kong hindi magdadala ng sakit na napagdaan ko dati…
Natuto na ako…
Hindi na ako haharap sa bukas ng hindi handa…
Hindi ko haharapin ang bukas ng walang pag-iingat…
At pagdumating na ang bukas na yon ay madarama ko na ang saya na ipinagkait ng mapait na kahapon…
…ngunit hanggang hindi pa dumarating ang bukas na iyon, dito lang ako…
…dito lang ako at maghihintay…
… dito lang ako at haharapin ang ngayon…
dapithapon (22april07)